over. kill.

a peso goes a long way now. you can carry it around for days without finding a thing it will buy. -anonymous.

Back on track.

Back on a regular basis? hindi ko alam. basta ang alam ko, kailangan ko ng mag update ng blog. Matagal na panahon ding naghibernate ang blogging skills ko. d ko alam kung bakit. Naubusan ng ideas? tinatamad? Pareho siguro. Dumating sa puntong wala na kong mapiga sa utak ko. Dahil na rin siguro sa kawalang excitement sa buhay ko. Idle mode kumbaga. Nakakulong pa din ako sa apat na dingding ng aking espasyo. Buhay Batugan.

————————————————————————————————————————————————————————

Binuburo ang sarili sa mundo ng Social Networking. Facebook dito, Facebook doon. Farm Town, Mafia, Barn Buddy, Friends for Sale, Restaurant City. Buddypoke at walang katapusang quizzes at surveys. Ano bang nakukuha ng mga tao sa pagubos ng oras dito? Nalilibang ang nakakabatong mundo lalo na ng mga BUM? Nagiging productive (para sa sarili) ang iyong araw? Ano mang epekto nito sa ibang tao parepareho man ang dahilan nila o magkakaiba. Ito’y nakakaadik. Ako man, inaamin kong adik ako sa pinaka “in” thing ngaun. ang Peysbuk.

———————————————————————————————————————————————————————

Paminsan minsan ay nakakaaliw ang magtrip down the memory lane. Masarap alalahanin ang kahapon. Lalo na ang masasayang tagpo. Pagibig? WEH? Hindi. KABATAAN. Masarap balikan ang kabataan. Nito lang ay nabigyan ako ng chance na makipagcommunicate uli sa mga batchmates ko nung elementary. pagkatapos ng isang dekada. Ngayon lng uli ako nagkaroon ng ugnayan sa kanila. Nahiwalay ako nung mag highschool kme. Dahil mas pinili ko ang mapalinlang na ads ng bagong eskwelahan sa aming lugar. Anyways, nakakatuwang after 10 yrs ay nakakakausap ko na uli sila. Nagpaplano silang mag “reunion” sa darating na Biyernes. Nagdadalawang isip pa kong pumunta. Naiisip kong baka hindi ako magenjoy dhil maoOP ako sa kanila. Oh well. Nakakatuwa lang balikan ang mga kalokohan namin noon. Mga Loveteams. Mga First Love at Puppy Love. Groupies. Away. Bati. Asaran. Laro. At walang problema. Walang iniisip na komplikasyon. Enjoy lang. Nakakamiss maging bata. 🙂

———————————————————————————————————————————————————————

Eto ako ngayon. Wala pa din mapiga sa utak. Pinipilit ang sarili. Trying Hard. Ah ewan. Goodluck na lang.

Ibalik nyu ang blogging skills ko! hahaha :p